-- Advertisements --
image 180

Nakatakda nang sumabak muli sa mahaba-habang training si Asian Games gold medalist EJ Obiena bilang paghahanda sa Paris Olympics.

Ayon kay Obiena, tiyak na magiging mahigpit ang pagdadaanang training, kasama nag kanyang training team, upang matiyak ang muling panalo sa Olympics.

Tinukoy din ni Obiena ang pangangailangan na makasama niyang mag-train ang mga world-class athletes sa larangan ng pole vault dahil sa mas nagbibigay ito ng motibasyon sa kanya.

Nagawa ni Obiena na makakuha ng pagkakataong makapasok sa Paris 2024 matapos nitong maitala ang magandang performance sa athletics nitong nakalipas na Asian Games, daan upang makuha nito ang gintong medalya.

Gayonpaman, magiging malaking hamon pa rin sa world no. 2 pole vaulter ang presensya ni Swedish vaulter Mondo Duplantis, na may hawak sa pinakamataas na paglundag sa buong mundo, sa 6.23 meters.

Sa naging performance ni Obiena sa Asian Games, nagawa nitong malagpasan ang 6-meter bar.