-- Advertisements --
pbbm x Professor Klaus Schwab

Inanyayahan ni World Economic Forum founder at executive chairman Professor Klaus Schwab ang Pilipinas na umanib sa binubuo nitong center kung saan magtutulungan at magpapalitan ng ideya ang mga bansa ukol sa mga bagong teknolohiya na maaaaring makatulong din sa ekonomiya.

Sa pakikipagpulong ni Schwab kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Davos, Switzerland, ipinaliwanag ng WEF founder na nakapaglatag na ng ilang service centers ang organisasyon na nakatuon sa modernong teknolohiya tulad ng artificial intelligence.

Inihalimbawa ni Schwab ang India kung saan planong ilatag ng WEF ang mga bagong teknolohiya upang mapaunlad ang agricultural activity.

Nakapagpatayo na rin aniya ang organisasyon ng center sa San Francisco na nakatutok naman sa crypto at blockchain.

Nais din ni Schwab na magkaroon ng presensya ang Pilipinas sa oras na pasinayaan na ng organisasyon ang kanilang platform.

Samantala, sinabi naman ni Pang. Marcos na inatasan na niya ang Department of Information and Communications Technology o DICT na makipag-ugnayan sa WEF hinggil sa naturang usapin.