Hinimok ng World Bank ang pamahalaan ng Pilipinas na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon kay World Bank Senior Economist for Social Protection and Job Global Practice Yoonyoung Cho, nakita nila na karamihan sa mga benepisyaryo ng cash transfer program ay hindi naman karapat-dapat.
Aniya, dapat magkaroon ang gobyerno ng malinis na database upang mapahusay ang targeting ng mga benepisyaryo tuwing may krisis.
Inirekomenda rin nila na ang streamlining ng contingency financing mechanism, para sa mas simpleng bureaucratic processing sa paggamit ng calamity funds.
Pinamamadali na rin ni Cho ang pamamahagi ng National ID dahil mas makatutulong ito na malinis ang listahan ng 4Ps at iba pang tulong.