-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Malaki ang paniniwala ng Department of Transportation and Railways (DOTr)-Caraga na may kaugnayan sa trabaho ang pagtambang sa tatlong tauhan ng Land Transportation Office (LTO)-Surigao City kahapon na ikinamatay ng kanilang team leader na si Felixberto Loayon.

Ayon kay Atty. Sim Villareal, designated spokesman ng DOTr-Caraga para sa nasabing insidente, kahit nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen ay posibleng may nagalit na mga motorista sa kanilang mga personahe.

Ito’y matapos siyang mag-checkpoint sa Sitio Dacuman, Barangay Ipil ng Surigao City

Dagdag pa ni Atty. Villareal na full support ang kanilang tanggapan sa naiwang pamilya ni Loayon kung saan sasagutin nila ang gastusin sa lamay nito.