-- Advertisements --
Inanunsiyo ni FIFA President Gianni Infantino na tumaas ng 30% ang premyo na makukuha sa FIFA Womens’ World Cup.
Sinabi nito na mayroon ng kabuuang $150 milyon ang premyong mapapanalunan sa Women’s World Cup.
Isinagawa ni Infantino ang anunsiyo sa pagatatapos ng FIFA Congress na ginanap sa Rwanda.
Bagamat ang nasabig premyo ay tatlong beses na mas mataas noong 2019 na premyo at 10 beses na mataas noong 2015 ay mababa pa rin ito kung ikukumpara sa grand prize ng men’s World Cup na umaabot sa $440 milyon.
-- Advertisement --