-- Advertisements --
Kinumpirma ni US Presiden Joe Biden na nakalaya na mula sa Russian prison ang WNBA star na si Brittney Griner.
Ang pagpapalaya kay Griner ay bahagi ng prisoner swap kapalit ni Russian arms dealer na si Viktor Bout.
Ang nasabing prisoners swap ay resulta ng mediation mula United Arab Emirates at Saudi Arabia.
Naganap ang prisoner swap sa Abu Dhabi Airport .
Magugunitang noong Pebrero ay inaresto sa paliparan ng Russia si Griner matapos makuha sa kaniyang vape cartridge ang isang pinagbabawal na substance.
Nasa Russia kasi ito para maglaro sa isang basketball league.