-- Advertisements --

Nangailangan ng two overtime ang Washington Wizards bago tuluyang idispatsa ang Boston Celtics, 115-112.

Tumipon ng 36 points si Bradley Beal habang si Kyle Kuzma ay may 17 points at career high na 17 rebounds upang iposte ng Wizards ang ikalimang panalo.

Ang Celtics naman ay nasadlak sa 2-4 record.

Si Jaylen Brown ay nagpakita naman ng 34 points kung saan nalasap ng Boston ang ikalawang talo sa tatlong overtime ngayon season.