-- Advertisements --
Pinapayagan pa rin ang mga residenteng pumapalaot sa Taal Lake alinsunod sa window hours na binigay ss kanila mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.
Ito ay para mag-hango o hindi kaya naman ay magpakain ng mga alagang isda sa kani-kanilang fish cage sa lawa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nasa 5,100 residente ang nangangalaga sa mahigit 6,300 fish cages sa Taal Lake kung saan produksyon ng mga isda dito ay bangus at tilapia.
Tuluy-tuloy din ang pagtulong ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagsasagawa ng transport mission, relief operation at sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga evacuation center.