-- Advertisements --

Nagkasundo ang ilang ahensya ng gobyerno na ipagpatuloy pa ang pagtutupad ng window hour scheme sa mga provincial buses sa Metro Manila.

Ito kasunod ng isinagawang pagpupulong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Department of Transportation (DOTr) upang pagdesisyunan kung dapat na ipagpatuloy pa ang implementasyon ng naturang scheme.

Muling iginiit ng LTFRB na ang naturang programang nagpapahintulot sa mga provincial bus operators na gumamit ng kanilang private terminals mula 10pm hanggang 5am ay hindi nangangahulugan na sa ganitong mga oras lamang maaaring bumyahe ang mga bus.

Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga kalituhan lalo sa mga pasahero hinggil sa naturang kautusan ng ahensya.

Samantala, ang naturang pagpupulong ay ay nag-ugat sa mga reklamong natatanggap ng mga kagawaran mula sa mga provincial bus operators kung saan ay binanggit ng mga ito na maaari nang muling makabyahe ang mga provincial bus sa oras na mailagay na sa Alert Level 1 ang rehiyon.