-- Advertisements --

Umaasa pa rin si Gilas Pilipinas player William Navarro na mapagbibigyan siya ng pagkakataon na makapaglaro sa ibang bansa.

Sa inilabas nito ng kalatas, humingi na ito ng paumanhin sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) at natalakay din ang ibang usapin.

Dagdag pa nito na dumalo na siya nitong Lunes sa ensayo ng Gilas Pilipinas para ipakita ang suporta nito sa national basketball team ng bansa.

Sa nasabi ring pagkakataon ay doon na niya nakausap sina SBP Executive Director Sonny Barrios, Gilas Pilipinas team manager Butch Antonio at coach Chot Reyes.

-- Advertisement --

Magugunitang hindi nabigyan ng FIBA si Navarro ng clearance para makapaglaro sa Seoul Samsung Thunders dahil sa may aktibo pa itong kontrata sa SBP.

Nakasaad kasi sa nasabing kontrata nito na nararapat lamang siyang maglaro sa North-Port Batang Pier kung saan mayroon siyang aktibong kontrata doon.