Kinasuhan ng panibagong 17 counts sa ilalim ng Espionage Act si Wikileaks founder Julian Assange.

Ang nasabing kaso ay matapos madiin ito sa pakikipagsabwatan kay dating Army intelligence analyst Chelsea Manning para makakuha ng mga sensitibong dokumento.

Sinabi ni Assistant Attorney General John Demers ang namumuno sa national security division na hindi journalist si Assange.

Nauna ng kinasuhan ng computer intrusion si Assange.