-- Advertisements --

Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na posible sa katapusan ng taon ay mayroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na maraming mga bansa na ang nag-uunahan na na gumawa na ng bakuna.

Mayroon na kasing siyam na experimental vaccines sa ilalim ng WHO-led COVAX global vaccine facility.

Inaasahan na makakagawa ito ng 2 bilyong bakuna hanggang 2021.

Muling nanawagan ang WHO Director ng pagkakaisa sa mga bansa para mapabilis ang paggawa ng nasabing mga bakuna.