Naghahanda na ngayon ang World Health Organization laban sa inaasahang paglaganap ng mga viral diseases na may kaugnayan sa El Niño weather phenomenon tulad ng dengue, at iba pa
Ito ay sa gitna ng nararanasang pagtaas ng temperatura ng water surface sa eastern at central Pacific Ocean na dulot ng El Niño.
Ayon kay WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, naghahanda ngayon ang kanilang organisasyon para sa mataas na posibilidad na talagang mararamdaman ang El Niño event ngayong taong 2023 hanggang 2024.
Aniya, ito ay maaaring magresulta sa pagtaas ng transmission ng dengue at iba pang uri ng virus na tinatawag na arbovirus tulad ng Zika, at chikingunyu.
Nagbabala rin ang opisyal na mas mapapaigting pa ng mararanasang climate change ang mga pangingitlog ng mga lamok, at dengue partikular na sa bahagi ng bansang Amerika.
Kaugnay nito nagdeklara na rin ang Peru ng state of emergency sa karamihan ng mga rehiyon nito ngayong taon.
Ang sakit ay nakukuha sa pamamagitan ng mga kagat ng isang uri ng lamok, na may mga sintomas na kinabibilangan ng lagnat, pananakit ng mata, ulo, kalamnan at kasukasuan, pagduduwal, pagsusuka at pagkapagod.