-- Advertisements --

Nagpahayag ng pagkabahala ang World Health Organization (WHO) sa pagdami ng bilang ng mga pagamutan sa Ukraine na nasira mula ng magsimula ang pag-atake ng Russia.

Base kasi sa pagtaya ng WHO na mayroong mahigit 900 na mga health care facilities sa Ukraine ang nasira na.

Sa 967 na bilang ay mayroong 868 ay may malaking idinulot ito ng pagkasira sa nasabing pagamutan.

Sinabi ni WHO spokesperson Dr. Margaret Harris na kanilang kinokondina ang nasabing insidente dahil hindi lamang ito pumapatay ng mga tao at sa halip ay pinipigilan nila ang mga ito na magkaroon ng karapatan na magtungo sa mga pagamutan tuwing sila ay may nararamdaman.

-- Advertisement --