-- Advertisements --
Muling ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang naging banta ng Israel na kanilang itutuloy ang pag-atake sa Rafah City sa Gaza.
Ayon sa WHO na kapag itinuloy nila na ito ay tiyak na dadanak ang dugo sa nasabing lugar.
Ang Rafah kasi ay siyang pinuntahan ng mahigit isang milyong residente ng Gaza mula ng simulan ng Israel ang atake laban sa Hamas.
Sa kasalukuyan aniya kasi ay nasa 33 percent ng 36 na pagamutan sa Gaza ang gumagana at kapag natuloy ang atake sa Rafah ay tiyak na marami ang masasawing sibilyan.