Inalerto ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas ukol sa mababang bilang ng mga nababakunahang senior citizens sa ilang lokal na pamahalaan.
Ayon sa WHO, ang mahinang pagbabakuna sa mga nakatatanda ay naglalagay sa ating bansa sa vulnerable level, lalo’t kumakalat ang COVID-19 Delta variant.
Base sa record, tumaas ang vaccination rate sa ibang priority groups, ngunit ang para sa mga seniors ay nasa 25 percent lamang.
Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, hindi katanggap-tanggap ang nakaambang panganib para sa mga nakatatanda, ngayong marami nang dumating na bakuna.
“We are very concerned that most of our older, more vulnerable people are still missing out on essential, life-saving vaccines against COVID-19. Not vaccinating most of our elderly now means more of them will suffer from severe illness and death. This is unacceptable when we already have adequate vaccine stocks to protect them,” wika ni Abeyasinghe.
Una nang sinabi ng mga eksperto na karamihan sa mga nagpositibo sa Delta variant ay mga “unvaccinated.”
Mas mabilis na makahawa at mas mapanganib din ang mutated variant sa mga wala pang proteksyon.
Habang ang mga “fully vaccinated” naman kung tatamaan ay hanggang mild lamang ang nagiging epekto.