-- Advertisements --

Pinasalamatan ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na tuluyang mapayagang makadaan ang mga tulong na makapasok sa Gaza sa pamamagitan ng pagdaan sa Egypt.

Sinabi ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus , na mayroong nakahandang 20 truck ang papasok na sa Gaza sa lalong madaling panahon.

Nanawagan din ito sa mga bansa na kung maari ay agad na gumalaw na rin para tuluyang matigil na ang kaguluhan sa pagitan ng Hamas Militant at Gaza.

Magugunitang pumayag na ang Egypt na gamitin ang kanilang border para makadaan ang mga tulong na dadalhin sa mga sibilyan na nakatira sa Gaza.