-- Advertisements --

Ikinabahala naman ng World Health Organization ang pagtigil ng operasyon ng ilang pagamutan sa South Gaza.

Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nauubusan ng suplay ng gasolina ang mga pagamutan para sa kanilang operasyon at pinangangambahan na ilang araw na lamang ang natitira para sa kanilang operasyon.

Mahalaga din aniya na mapalawig ang humanitarian operations sa lugar.

Magugunitang maraming mga border crossing ang isinara ang Israel na nagpahirap sa mga humanitarian aide na makadaan.