Naglabas ng bagong pagsusuri ang Global Advisory Committee on Vaccine Safety (GACVS) ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing walang ebidensiya ng kaugnayan sa pagitan ng bakuna at autism spectrum disorders (ASD).
Batay sa 31 pag-aaral mula 2010 hanggang 2025, pinagtibay ng komite na ligtas ang mga bakunang ginagamit sa pagkabata at pagbubuntis.
Sinuri rin ang mga bakunang may thiomersal at aluminum adjuvants, at napatunayang wala itong kaugnayan sa ASD.
Kasama sa ebidensiya ang malawakang datos mula sa Denmark na sumasaklaw sa mga batang ipinanganak mula 1997 hanggang 2018.
Muling iginiit ng GACVS ang naunang konklusyon noong 2002, 2004, at 2012 na ang bakuna ay hindi sanhi ng autism.
Pinayuhan ng WHO ang mga bansa na ibatay ang kanilang mga polisiya sa pinakabagong agham upang mapanatili ang tagumpay ng pagbabakuna na nakaligtas ng tinatayang 154 milyong buhay sa nakalipas na 50 taon.















