-- Advertisements --

Plano ng World Health Organization (WHO) na palitan ang pangalan ng monkeypox.

Dahil dito ay hiniling ng WHO ang mga suhestiyon ng publiko kung ano ang maaring ipalit na pangalan.

Ang kasalukuyang pangalan kasi ay tila nagkakaroon ng stigma sa isang tao.

Inihalimbawa nila sa Brazil kung saan may ilang tao ang inaatake ang mga unggoy sa paniniwalang sila ang may dala ng nasabing virus.

Paglilinaw ni WHO spokeswoman Fadela Chaib na unang inilabas ang nasabing pangalan dahil sa ipinapatupad na best practices sa pagbibigay pangalan sa mga sakit.

Naglabas aniya sila ng website para sa nais na magbigay ng suhestiyon ng bagong ipapangalan sa monkeypox.

Unang nadiskubre ang sakit noong 1970 sa Democratic Republic of Congo na ito ay kumalat sa West at Central African countries.

Sa kasalukuyan kasi ay aabot nasa mahgit 31,000 na kaso ng monkeypox.