-- Advertisements --

Pinuna ng World Health Organization (WHO) ang malaking agwat ng mga mayayaman na bansa sa mga mahihirap na bansa sa pagbili ng mga bakuna.

Sinabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na dahil dito ay maraming mga bansa ang mananatiling hindi protektado.

Sa 220 na territories ay mayroong 194 dito ang nagsimula na ang kanilang vaccination rollout.

Ang natitirang 14 na lugar ay nakipag-ugnayan sa COVAX facilities.

Patuloy ang paghikayat nito sa mga bansa na simulan na nila ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine.

Umaasa ito na sa buwan ng Mayo ay wala ng bansa ang hindi pa nakakapagsimula ng vaccination program.