-- Advertisements --

Nakatakdang magbitiw na sa kaniyang posisyon si White House press secretary Jen Psaki.

Plano umano nitong magtrabaho sa cable new network na MSNBC.

Ayon sa kampo ni Psaki na nasa advance stage na ang nasabing usapin sa paglipat ni Psaki.

Magiging host umano ito sa streaming platform ng NBC na Peacock na ipapalabas sa MSNBC.

Hindi naman kinumpirma ng White House ang paglisan ni Psaki.