-- Advertisements --
Nanawagan ng imbestigasyon ang White House sa madugong pag-atake ng Israel sa aid facility ng United Nation sa Gaza.
Nais ng US na malaman ang tunay na dahilan na ginawang pag-atake ng Israel.
Ang insidente ay may kaugnayan sa ulat ng UN agency for Palestinian refugees UNRWA na dahil sa atake na ito ng Israel ay isang staff nila ang nasawi at 22 iba ang sugatan.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng pag-atake ang Israel dahil noong nakaraang buwan ay ilang Palestino ang nasawi ng atakihin sila ng Israel forces habang kumukuha ng pagkain.