-- Advertisements --
Inakusahan ng White House ang North Korea na siyang nagbibigay ng mga armas sa Russia para ipanlaban sa Ukraine.
Ayon sa White House na mayroong silang mga nakuhang ebidensiya na nagpapatunay na nagbigay ng armas ang North Korea sa Russia.
Ipinakita ng White House ang ilang mga larawan at video na mayroong barko ito na puno ng mga armas.
Sinabi ni White House spokesman John Kirby na kanilang kinokondina ang ginawa na ito ng North Korea.
Magugunitang personal na nagkita sina Russian President Vladimir Putin at North Korean Leader noong nakaraang buwan.
Pagtitiyak ni Kirby na patuloy nilang ipapatupad ang sanctions at magsasampa ng kaso sa United Nations sa anumang bansa na lalabag sa security council.