-- Advertisements --
Mahigipit din na binabantayan ng White House ang naging pinsala ng pagkasira ng Nova Kakhovka dam sa Ukraine.
Ayon kay White House National Security Council Coordinator for Strategic Communications John Kirby na kumukuha sila ng ulat mula Ukraine kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa pagkasira ng dam.
Hindi na rin aniya masabi ng US na kagagawan ng Russia ang nasabing pagkasira ng dam.
Ang Nova Kakhovka dam ay siyang pinakamalaking reservoir sa Ukraine na konektado sa Dnipro River ang pangunahing ilog sa southeastern Ukraine.
Magugunitang maraming mga residente na malapit sa dam ang inilikas na nagdulot ng malawakang pagbaha sa lugar.