-- Advertisements --

Mahigpit na nagbabala ang White House sa North Korea kapag itinuloy nito ang pagsuplay ng mga armas sa Russia para ipanlaban sa Ukraine.

Sinabi ni US National Security Advisor Jake Sullivan, na magkakaroon ng hindi magandang kahinatnatan ang North Korea kapag itinuloy nito ang nasabing hakbang.

Una ng iniulat ng US na magsasagawa ng pagpupulong sina Russian President Vladimir Putin at North Korean leader Kim Jong Un kung saan isa umano sa kanilang tatalakayin ay ang pagbibigay ng armas ng North Korea sa Russia.

Hanggang sa kasalukuyan pa rin ay tikom pa rin ang bibig ng Russia ukol sa nasabing alegasyon na ito ng US.