Na-rescue ng mga tauhan ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ang huling bihag ng mga teroristang Abu Sayyaf (ASG) sa probinsiya ng Sulu.

Nasagip kahapon ang Indonesian na bihag na si Muhammad Farban na na-rescue sa Barangay Bato-Bato, Indanan, Sulu bandang alas-6:45 ng hapon.

Kaagad naman dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Station Hospital ang bihag para sa agarang medical attention at custodial debriefing.

Ayon kay Wesmincom commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana na sila ay natutuwa sa accomplishment ng mga tropa.

Sinabi ng heneral ang matagumpay na rescue operation ay patunay na ang kanilang sustained rescue efforts and security operations ay gumagana at napaka epektibo.

-- Advertisement --

“This breakthrough will be sustained to thwart kidnappings, dismantle the terror group to bring about peace and sustainable development in Sulu,” pahayag pa ni Gen. Sobejana.