-- Advertisements --
Naisalba ni Russell Westbrook ang Washington Wizards para gulatin ang New Orleans Pelicans, 117-115
Naging susi sa panalo ng Wizards (22-23) ang dalawang free throws na naipasok kahit may isang segundo na lang ang nalalabi sa overtime game.
Nagpakitang gilas si Russell na may kabuuang 15 points, kung saan 10 ang naipasok sa sa overtime mula sa kabuuang 12 puntos ng team.
Isang assists na lamang sana ang kanyang kailangan para sana sa ika-pitong triple double performance.
Tumulong din naman si Bradley Beal sa kanyang 30 points at si Daniel Gafford na may 18 para sa Wizards.
Sa Pelicans (25-31) naman si Brandon Ingram ay nagpakawala ng 34 puntos habang si Zion Williamson ay merong 21.