Proud actor si Wendell Ramos kaugnay sa pagpasa nito sa training ng ABP (Ang Bumbero ng Pilipinas) at ngayo’y certified member na ng organisasyon.

Ayon kay Wendell, isang karangalan na maging bahagi ng ABP pero marami pa rin siyang dapat na matutunan at maranasan.

Makikita sa kanyang mga larawan na nakasuot siya ng uniform ng bombero, at ang serye ng naging pagsabak nito sa training.