CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang welder sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Jerry Binoya,48 anyos,may asawa at residente ng Barangay Poblacion Pikit Cotabato.

Ayon sa report ng Pikit PNP na habang nagwe-welding ang biktima sa isang shop ay bigla itong nilapitan ng hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang salarin at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasamasa gilid ng kalsada.

Naisugod pa ang biktima ng mga nagrespondeng pulis sa Cruzado Medical Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit Municipal Police Station sa pamamaril patay sa biktima.