-- Advertisements --

Ipinagmalaki mga opisyal sa Ukraine ang pagsira nila ng weapons depot ng Russia.

Sinabi ni Serhii Haidai ang namumuno ng Luhansk Regional Military Administration na kanilang nasira ang ammunition warehouse na matatagpuan sa Novoaidar, Luhansk region.

Ayon naman kay Luhansk People’s Republic (LPR) People’s Militia officer Roman Ivanov na mayroong mahigit 20 mga bahay ang nasira dahil sa ginawang air strike ng Ukraine.

Mariing pinabulaan din ng Ukraine na kanilang tinarget ang mga kabahayan sa ginawa nilang air strikes.