-- Advertisements --

Inatasan ng World Boxing Council ang lightweight title eliminator sa pagitan nina social media sensation Ryan Garcia at Isaac Cruz.

Ang 23-anyos na si Garcia na sumikat sa Instagram at Youtube ay mayroong professional record na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts.

Huling laban nito ng talunin niya si Emmanuel Tagoe noong nakaraang buwan sa Alamodome, San Antonio kung saan nagwagi ito sa pamamagitan ng unanimous decision.

Habang si Cruz ay kilala bilang notorious na body puncher ay mayroong 23 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 16 na knockouts.

Noong nakaraang buwan ay tinalo nito sa pamamagitan ng ikalimang technical knockout si Yuriorkis Gamboa.

Nagpost naman si Garcia sa kaniyang social media kung saan sabik na itong makaharap si Cruz.