Agad nag-deploy ng mga pasilidad ang Philippine Red Cross (PRC) sa Davao de Oro, upang tugunan ang pangangailangan para sa malinis na tubig ng mga residente.
Kasunod ito ng diarrhea outbreak sa ilang lugar doon, mula pa noong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat, may mga namatay na dahil sa naturang sakit at 22 naman ang naospital.
Lumalabas na 150 pamilya ang naapektuhan nito, kaya ginamit ng PRC ang kanilang mga truck na may water filter.
Sinabi ni PRC chairman Sen. Richard Gordon na kailangan ang mabilis na hakbang sa bagay na ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
“Sa naganap na Diarrhea Outbreak sa Davao de Oro, kasama ang Philippine Red Cross, tuloy-tuloy ang pagpapadala natin ng mga water tankers para tiyaking malinis ang iinumin ng mga tao at mapigil ang pagkalat ng sakit,” wika ni Gordon.