CENTRAL MINDANAO- Nakiramay ang mga bakwit at lokal na mga opisyal sa probinsya ng Cotabato sa nasawing water tanker helper na maghahatid sana ng tubig sa mga evacuation sites.

Nakilala ang nasawi na si alyas Nonoy, residente ng Cateel Davao Oriental at sugatan naman ang driver ng Davao fresh water tanker na si Jimmy Gaspar,50 anyos,may asawa at rsidente din ng bayan ng Cateel.

Ayon sa ulat ng pulisya, na habang binabaybay ng water tanker ang paakyat na kalsada sa Brgy Malasila Makilala North Cotabato ay umiiwas ito sa sasakyan ng DPWH na may kargang mga tao.

Ngunit hindi na nakontrol ng driver ng water tanker ang manobela at bumaliktad sa gilid ng highway dahil sa bigat ng kargang tubig.

Naipit ang helper at on the spot na nasawi habang sugatan naman ang driver na dinala sa pagamutan.

Ang Dumoy fresh water tanker ay galing sa Davao City at maghahatid sana ng tubig sa mga evacuation sites sa Makilala Cotabato at Kidapawan City.

Tatlong water tanker ang pinadala ng may ari ng Dumoy fresh water sa North Cotabato.

Maituturing na bayani ang helper at driver ng water tanker na ang layunin lang sana ay makatulong sa kapwa sa mga bakwit nang lindol