KALIBO, Aklan – Kinansela na ng Philippine Coast Guard (PCG) sub-station Boracay ang lahat ng water sports activities sa isla.

Ito’y matapos isinailalim sa Tropical Cyclone No. 1 ang buong Aklan dahil sa Bagyong Tisoy.

Nag-abiso naman ang Philippine Coast Guard-Caticlan sa mga pasahero na agahan ng mga ito ang pagpunta sa pantalan dahil “sunrise to sunset” na lamang ang biyahe ng motorbanca mula sa Caticlan Jetty Port to Cagban Port and vice versa.

Samantala, todo alerto ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office-Aklan sa pag-monitor ng lagay ng panahon.

Pinaalalahan naman ang lahat ng mga mamamayan na maging alerto at huwag mag-atubili sa oras na kakailanganing lumikas, partikular na ang mga nakatira sa mga low-lying areas.