-- Advertisements --

Dahil sa pagtaas ng turbidity level o ang paglabo ng tubig ng Laguna Lake dala ng hanging Amihan, nagbawas ngayong ang Maynilad ng water production upang masiguro na maayos pa rin ang kalidad ng tubig na matatanggap ng mga customer.

Simula Enero 5, 2022 hanggang Enero 20, 2022 ipapatupad ang water interruption para masiguro na ang lahat ng apektadong customer ay magkakaroon pa rin ng tubig sa loob ng ilang oras kada araw.

Isasagawa ito dakong alas-8:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.

Kailangan din umanong magsagawa ng urgent maintenance work sa ultrafiltration membranes at dissolved air flotation (DAF) system ng Putatan Water Treatment Plants para mapanatili ang filtration capacity nito ngayong mataas ang turbidity sa raw water ng lawa.

Dahil dito, kinakailangang magpatupad ng water service interruption sa ilang bahagi ng Bacoor City, Imus City, Las Pinas City, Muntinlupa City, Pasay City at Paranaque City araw-araw.

Sa Bacoor City, apektado ang mga barangay Molino 2, 3, 4 at 6, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West at San Nicolas 3.

Sa Imus City, apektado naman ang Barangay Pasong Buaya 1 at 2.

Samantala sa Las Pinas City, apektado rito ang barangay Almanza Uno at Almanza Dos Versailles, Pilar, Talong Singko, CAA, Manuyo Dos, Pamplona Uno hanggang Tres, Pulanglupa Uno at Dos, Talon Uno at Zapote.

Sa Muntinlupa City, apektado ang Alabang, Ayala Alabang at Cupang.

Sa Paranaque City, apekadto ang Barangay 183, 201, Don Bosco, Marcelo Green, Marville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, Almanza Uno, BF Homes at BF International / CAA.