-- Advertisements --
Bumabalik na sa normal ang antas ng tubig sa Angat Dam at iba pang dam sa Luzon, ilang linggo matapos ang pag-apaw ng mga ito dahil sa bagyong Ulysses.
Ayon sa Pagasa Hydrometeorology Division, naitala na ngayong araw ang water level sa Angat Dam na 210.76 meters.
Bumaba na rin ang tubig sa Ipo DaM, La Mesa Dam, San Roque, Pantabangan at Caliraya, habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga, Magat dams.
Nananatili naman ang pagpapakawala ng tubig ng Ambuklao, Binga at Magat dams, para maabot ang normal na antas ng tubig.