-- Advertisements --

Dinagdagan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagtaas ng demand dulot ng coronavirus pandemic.

Mula sa dating 42 meters per second ay naging 46 cubic meters per second na ang ilalaan sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Magtatagal ang nasbing dagdag na alokasyon simula Mayo hanggang Hunyo.

Nauna ng naglaan ng 15 cms sa mga irigasyon sa timog bahagi ng Bulacan.