CEBU CITY – Naka-half mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa municipal hall ng Barili, Cebu kasunod ng pagkamatay ni Mayor Marlon Garcia.
Ayon sa acting mayor na si Julito Flores na isa umano itong simbolo ng pagluluksa at pagbibigay ng respeto sa pumanaw na alkalde.
Sinabi ni Flores, sa naging panayam ng Bombo Radyo, na nananatiling normal ang operasyon ng munisipyo ngunit magkakaroon umano ito ng mga adjustments.
Siniguro naman nito na magpapatuloy ang mga programang nasimulan ni Garcia bilang pagtupad sa pangako nito sa mga kababayan.
Isa na rito ay ang pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cebu sa Barili Municipal Government upang isagawa ang Dugong Bombo.
Hiling ngayon nga acting mayor na kailangang magkaisa at kalimutan muna ang pulitika sa hinaharap nitong pagsubok.