-- Advertisements --
Pasok na sa Western Conference Semifinals ang Golden State Warriors matapos ang ilampaso ang Sacramento Kings 120-100.
Nagtala ng playoff career-high na 50 points si Stephen Curry kung saan tinalo nito ang Game 7 record ni Kevin Durant noong 2021 na mayroong 48 points.
Sa unang quarter ay hawak ng Kings ang kalamangan kung saan umabot pa sa five points subalit hindi ito pinabayaan ng Warriors at sila ay umarangkada.
Sa pagtatapos ng first half ay lamang ang Kings 45-42 hanggang hindi pinabayaan ng Warriors na makawala pa ang panalo.
Nag-ambag naman ng 17 points si Andrew Wiggins habang mayroong 11 points si Kevon Looney para sa Warriors.
Makakaharap ng Warriors para sa semifinals round ang Los Angeles Lakers.