-- Advertisements --
Wagi pa rin sa ikalawang game ang defending champion Golden State Warriors doon sa Tokyo, Japan.
Idineklara ni NBA star Stephen Curry na napakaproduktibo ng opening season games ang biyahe nila nang magwagi sa pangalawang pagkakataon laban sa Washington Wizards, 104-95.
Sa pagkakataong ito ay bumawi ang dating NBA MVP na si Curry nang magtala ng 17 points sa halos 17 minuto lamang na paglalaro.
Kumpara sa first game na inalat ang three point king ng NBA.
Sa ngayon mas matindi ang ginagawang paghahanda ng Golden State dahil nais nilang masungkit ang kanilang fifth NBA title sa loob ng siyam na taon sa pagbubukas ng season sa Oktubre. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)