curry thompson warriors
‘Splash Brothers’ Stephen Curry and Klay Thompson (photo from @warriors)

Nabigyan ng good news ang mga fans ni Golden State Warriors superstar Klay Thompson matapos payagan na rin ito ng mga doktor na makapag-work out.

Kung maaalala ang injury sa kanyang kaliwang paa ay nagpa-sideline sa kanya ng matagal na panahon mula pa noong Finals nang matalo sila sa Toronto Raptors.

Ang go-signal ng kanyang medical team ay naging daan upang makompleto niya ang “high-octane” workout session na nagtapos nitong Huwebes.

Gayunman sa kabila nito, hindi pa rin siya pupuwede maglaro sa NBA dahil hindi pa kakayanin ng kanyang paa at kulang din sa training.

Kung maalala dumanas si Thompson ng left ACL tear nang bumagsak siya matapos ang dunk attempt sa Game 6 ng NBA Finals noong nakaraang taon.