
Makakapaglaro na ang beteranong Forward ng Golden State Warriors(GSW) sa unang round ng Playoffs Elimination.
Ito ang kinumpirma ni GSW Head Coach Steve Kerr, matapos ang tuloy-tuloy na pag-ensayo nito, pagbalik sa Warriors lineup. Ayon kay Kerr, nasa tamang direksyon si Wiggins sa kanyang conditioning practice.
Matatandaang hindi nakapaglaro si Wiggins sa mahigit dalawampung huling Regular Season Games ng Warriors, dahil sa problema sa kaniyang pamilya.
Bumalik siya sa lineup nitong Marso ngunit hindi na rin pinayagan na makapaglaro pa sa pagtatapos ng Season dahil wala siya sa tamang kondisyon.
Si Wiggins ay isa sa mga inaasahang magiging pangunahing Defensive player ng Warriors para sa target na back-to-back championship ngayong taon.
Makakaharap naman ng Warriors ang Number 3 Sacramento Kings sa unang Playoffs Elimination, sa araw ng linggo, oras sa Pilipinas.










