-- Advertisements --

Nagpatikim naman ng mistulang All-Star form ang bagong players ng Houston Rockets na sina John Wall at DeMarcus Cousins nang ilampaso ang Chicago Bulls, 125-104 sa unang preseason games.

Kung maalala si Wall ay kinuha ng Rockets sa Wizards kapalit ng dating MVP na si Russell Westbrook.

ROKETS 3

Si Cousins naman ay nanggaling sa Lakers.

Hindi naman nakalaro si James Harden dahil naka-quarantine pa rin.

Umiskor si Wall ng 13 points, 9 assists at 5 rebounds sa kanyang all-around game.

Si Cousins naman ay nagtapos sa 14 points sa loob lamang ng 15 minutes.

Kaugnay nito, tuwang-tuwa naman si Rockets coach Stephen Silas sa kanyang nakita, pero maaga pa umano para maglabas ng assessment sa kanilang tiyansa sa buong season.