Kemba Walker/ Photo courtesy of NBA

Nag-aalab pa rin ang pag-asa ng Charlotte Hornets na makatuntong sa postseason matapos ang kanilang 124-97 pagtambak sa Cleveland Cavaliers.

Pinamunuan ni Kemba Walker na kumubra ng 23 points ang Hornets, na nahaharap ngayon sa isang must-win situation para sa huling puwesto sa Eastern Conference.

-- Advertisement --

Kinakailangang magapi ng Hornets ang Orlando Magic sa kanilang baluwarte bukas, at dapat namang matalo ang Pistons sa kamay ng New York upang masungkit nila ang una nilang playoff berth sa loob ng tatlong taon.

Nagdagdag ng 23 points si Jeremy Lamb, at sina Miles Bridges at Dwayne Bacon na tumabo ng tig-18 sa ikaapat na dikit na panalo ng Hornets.

Samantala, nalaglag naman sa kanilang ika-10 sunod na pagkabigo ang Cavs upang magtapos sa 19-63, na ikaapat sa pinakamalalang record sa franchise history.

Sumandal ang Cleveland kay rookie Collin Sexton na may 18 points at season-high na 10 assists para sa Cavs.