CEBU CITY – Hindi mahulugan ng karayom ang Walk with Mary foot procession na sinumulan kaninang madaling araw para sa kapistahan ng batang Sr. Santo Niño.

Nagmistulang dagat sa malayong tingin ang kilos ng napakaraming tao nang binaybay nito ang kahabaan ng Fuente Osmeña Circle patungong Basilica Minore del Santo Niño kung saan isinagawa ang Misa de Traslacion.

Karamihan sa mga dumalo sa prusisyon ay dala-dala ang kani-kanilang mga imahe ng Sr. Santo Niño, habang ang iba ay karga ang kanilang mga batang anak na sinuotan pa ng damit na gaya ng batang senyor.

Samantala, sa bawat corner ng ruta ng prusisyon ay makikita rin ang napakaraming pulis personnel na nagbabantay sa seguridad ng paligid.

Pagkatapos ng misa ay ililipat ang imahe ng Sr. Sto. Nino kasama ang image ng birhen sa Guadalupe sa National Shrine of St. Joseph ng Mandaue City bilang paghahanda naman sa Fluvial Parade bukas.

-- Advertisement --