Suspendido ang ilang klase sa bansa bukas, Hulyo 10, 2026 bunsod ng banta ng Super Typhoon Inday at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Kabilang sa mga nagdeklara ng class suspension ang mga lokal na pamahalaan sa Aurora, gayundin sa mga bayan ng Basista at Lingayen sa Pangasinan kung saan lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ay walang pasok.
Sa Visayas, nagsuspinde rin ng klase sa lahat ng antas ang mga bayan ng Barbaza, Belison, at Hamtic sa Antique. Samantala, mula Preschool hanggang Senior High School lamang ang suspendido sa Anini-y, Sibalom, at San Jose de Buenavista.
Sa Negros Occidental, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa Bago City, Binalbagan, Isabela, La Castellana, Moises Padilla, at Hinigaran.
Habang sa Mindanao, wala ring pasok sa lahat ng antas sa Iligan City sa Lanao del Norte at sa buong Maguindanao del Norte.
Samantala, sa Maguindanao del Sur, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga bayan ng Datu Piang, Datu Salibo, Shariff Saydona Mustapha, Guindulungan, Datu Saudi Ampatuan, Datu Abdullah Sangki, Ampatuan, Sultan sa Barongis, at Shariff Aguak.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon ang Caloocan City, kung saan walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan.
Sa Maynila, suspendido naman ang in-person classes mula Kindergarten hanggang Senior High School sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
Sa Valenzuela City, wala ring face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Kasabay nito, sinuspinde rin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Suspendido rin ang in-person classes mula preschool hanggang Senior High School ng Mandaluyong City, kabilang ang Alternative Learning System (ALS), sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
















