Sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang mga klase ngayong Miyerkules, Hulyo 8, 2026, dahil sa masamang lagay ng panahon.
Batay sa mga anunsyo ng mga local government unit (LGU), narito ang mga lugar na nagdeklara ng class suspension:
Caloocan City – Suspendido ang klase mula Daycare hanggang Senior High School sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
Malabon City – Walang face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
Navotas City – Suspendido ang klase mula Pre-school hanggang Senior High School sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan.
Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan at ng Department of Education (DepEd) para sa iba pang posibleng suspensyon ng klase habang nagpapatuloy ang masamang panahon.
Paki refresh ng page na ito para sa iba pang update.













