Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa gitna ng ibinabatong akusasyon sa ahensya kaugnay ng sinasabing VIP treatment sa testing ng COVID-19.

Sa isang statement, nilinaw ng DOH na nakasunod sa inilabas nilang screening protocol ang pagsasailalim sa testing ng lahat ng pasyente.

Nagkaroon umano ng update sa patakaran noong March 16 kung saan naging limitado ang pagpapa-test sa mga patients under investigation (PUI) na may mild symptoms na matanda, may karamdaman, mahinang immune system at mga admitted PUI na nasa severe at critical condition.

“DOH assures the public that there is no policy for VIP treatment and that all specimens are being processed on a first-in, first-out basis. With courtesy accorded to officials holding positions of national security and public health.”

Umaasa raw ang Health department na makakatulong ang 100,000 test kits na dumating nitong weekend para agad matulungan ang mga matutukoy pang kumpirmado ng pandemic virus.