-- Advertisements --
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pilipino ang napaulat na nasawi kasunod ng tumamang lindol sa border region ng southern Turkey at northwestern Syria.
Ayon kay DFA Undersecretary for migrant workers’ affairs Eduardo Jose de Vega, mayroong 60 Pilipino ang nasa sinalantang lugar sa northwestern Syria subalit sa kabutihang palad ay walang casualties.
Magbibigay naman ang 6-man team mula sa Philippine Embassy sa Damascus ng assistance para sa mga apektadong Pilipino.
Una ng inihayag naman ni Syrian President Bashar al-Assad na bubuksan ang dalawa pa ng crossing points mula Turkey patungo sa northwestern Syria sa loob ng tatlong buwan para sa pagpapaabot ng humanitarian aid sa mga biktima ng lindol.